Mga Dapat Gawin kapag Nabalian ng Buto o Napilayan II Emergency Management at home or outside the hospital for sprains and fractures.
Minsan hindi naiiwasan ang aksidente at nangyayari ito anumang oras katulad ng mga pangyayari sa mga naglalaro o kahit simpleng nasa bahay lang na gumagawa ng pang araw-araw na gawain. Iba't ibang klase ng minor accidents ang pwedeng mangyari kaninuman. Halimbawa ng mga napipilayan o nababalian ng buto dahil sa paglalaro o habang gumagawa ng simpleng gawaing bahay.
Mga larong mas mataas ang tsansa na magka injury ang isang manlalaro.
- Basketball
- Football
- Cricket
- Volleyball
Madalian o mabilisang lunas na dapat gawin kapag ang isang tao ay napilayan o nabalian ng buto. Ito ay napakadaling gawin at sundin at ito ay rekomendadong gawin ng kahit ninuman. Tandaan lamang ang acronym na ICE.
P- Proteksyon sa affected part. Iwasan na hindi madagdagan ang injury.
R- Rest or immobilization. Hwag gamitin o igalaw ang afftected part to prevent further injury.
I- Kumuha ng Ice pack at kung wala naman ay kahit yelo na lang at mag improvise na parang ice pack. Ilagay sa isang plastic at mas mainam kung may latex gloves at ito ang paglagyan nito. Tandaan na hindi dapat diretsong idampi sa balat ng tao ang yelo at sa mahabang oras dahil ito ay maaring magdulot ng tissue damage. Pwedeng gumamit ng kahit anong telang manipis katulad ng panyo na protective covering ng balat bago dampian ng ice pack. Gawin agad ito sa mga taong napilayan o nabalian ng buto sa loob ng 15 to 20 minutes, apat o walong beses sa loob ng 24 hours for the first 48 hours hanggang mawala ang pamamaga.
C- Compression. Ang paggamit ng elastic wrap o bandage ay napakahalaga at nakakatulong upang hindi mamaga ng tuluyan ang injured part ng isang tao. Para na rin kapag gumalaw ang pasyente ay hindi nito mararamdaman o lesser pain ang mararamdaman. May tamang paraan din kung paano ito gamitiin. Dapat ay magsimula sa distal part ng extremity, halimbawa na kung sa paa ang affected part, simulan ang pagbabalot ng elastic bandage sa pinakadulo ng paa paakyat sa tuhod. Dahil sa ganitong paraan natutulungan na mabawasan ang pamamaga nito.
Bilang isang nurse, ang mga nabanggit ko po ay tinatawag na independent interventions na pwedeng gawin bilang temporary o emergency management habang hindi pa o naghihintay na matingnan at suriin ng doctor ang pasyente.
Maraming salamat po muli sa inyong pagbasa nito.
galingggg
ReplyDeleteimpormative article.
ReplyDeleteSana all Nars. SMOSO
ReplyDeletesana ok
DeleteI was once experienced this kind of injury and all of this procedure I applied.Very effective.@ann cabrera
ReplyDelete