Ang Paggamit ng Contraceptive Pills ay may Mabuti at Masamang Epekto II Advantages and disadvantages of using Contraceptive Pills





Ang Contraceptive Pills po ay introduced sa ating mga Pilipino and even worldwide upang mapanatili ang children age gaps tungo sa masaganang pamumuhay at kalusugan ng isang pamilya. Thru the healthcare system ng Pilipinas ay isa ito sa programa nila ang information dissemination to mothers of child-bearing age. 

Ang government health centers all over the Philippines ay namimigay ng libreng contraceptive pills sa mga nanay. Nagbibigay din sila ng edukasyon ukol sa tamang paggamit nito at kung bakit nila kailangan ito. Sa kasalukuyan ay marami ng mga nanay ang natuto dahil na rin sa tulong ng programang ito ng gobyerno. Alam naman nating lahat na sa panahong ito lao na at mataas na ang prices ng commodities ay napaka importante na bigyang halaga ang age gaps ng mga anak ng isang pamilya. 

Sa pagdaan ng panahon, napatunayan na rin ng karamihan na tama nga ang ginawa ng gobyerno naten sa pagpapamulat sa atin ng tamang pag spacing ng mga anak. Tuluyan ng natututo ang mga nanay ng pamilya ng mamamayang Pilipino. Kung dati ay paramihan ng anak ang isang pamilya, sa ngayon ay iba na po ang kalakaran. Limited na rin ang pagproproduce nating mga Pilipino ng ating lahi dahil karamihan ay iilan na lng ang kanilang supling as compared to sa mga sinaunang panahon na dosena ang bilangan. At dahil dito ay nag improve na ang ating pamumuhay at pati na rin ang ekonomiya ng Pilipinas dahil mas madami na ang nakakapag aral at nagkakaroon ng masaganang pamumuhay. 

Ang mga ito ay dahil na rin sa tulong ng paggamit ng birth control pills which is isa lamang sa mga varieties or tools of birth spacing. Maraming klase ang mga ito ang introduced sa ating mga mommies. Of course, since ito ay considered as with chemical contents na katulad din ng iba't ibang gamot na meron ding side effects. Although, meron din namang magandang dulot ito na nakakapagpabuti sa pangkalahatan. 

Advantages o mabuting resulta ng paggamit ng contraceptive pills. Katulad ng mga nabanggit ko na mas nabibigyan ng sapat na panahon ang bawat anak ng kanilang magulang unlike kung madami silang anak which is nahahati ang kanilang panahon na kaya nilang ibigay sa bawat anak nila. Bukod dito, nabibigyan din nila ng tamang edukasyon ang kanilang mga anak dahil magiging mas sapat pa sa mga bata ang kanilang kinikita. Additionally, makakapamahinga din ang uterus o matres ng isang ina which is ang expected time to achieve full healing of the uterus in a woman's body na nanganak lalo na kung dumaan sa operasyon ay 2 years. And aside from this, mas nagiging emotionally and physically well-healed and prepared for the next pregnancy ang isang ina.

Disadvantages o ang hindi magandang epekto ng pagganit nito. Kakambal na ng mabuti ang masamang epekto sa isang bagay at hindi nalalayo dito ang paggamit ng contraceptive pills. Drug allergy ay isa sa mga untoward effects na common naman sa lahat ng mga gamot. Kapag may allergy ang tao sa isang gamot ay dapat lang na agad itong ititigil ang paggamit ang bigyang lunas agad ang allergy dahil pwde itong magdulot ng kapahamakan sa isang tao. Minsan kapag ito ang yung sinasabi nilang severe allergy ay pwede itong maging sanhi ng life-threatening conditions na hindi naten gustong mangyare. Iba pang halimbawa ng untoward side effects ay headache na very common naman. Ang iba pang pwedeng asahan na side effects ay pakiramdam na nasususka , mood swings o pagiging bugnutin due to hormonal suppression. Pwede rin na magkaroon ng pagtaas ng prssyon o alta presyon. At kung hindi man ito humupa makalipas ang ilang buwang paggamit ay mas nakakatulong kung magpalit na lang ng ibang gamot. 

Meron din namang tinatawag na rare side effect ang paggamit ng birth control pills. At ito naman ay sinabi ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) na mataas ang posibilidad na magkaroon ng blood clots o pamumuo ng dugo o ang tinatawag na pulmonary embolism. (Ref: www.healthline.com)

Ang hormone content (that sustains pregnancy) ng contraceptive pills ang siyang nagbibigay ng chances na magkaroon ng blood clots sa mga babae na gumagamit nito by about 3-4 times. (Ref: www.stoptheclot.org) 

Bilang isang emergency room nurse, nagkaroon na ako ng direct care sa mga pasyenteng na diagnosed na may pulmonary embolism at kalimitang idinadaing nila ay ang pananakip ng dibdib o chest pain na sinasamahan ng hirap huminga. At sila ay recmmended na iadmit for closed monitoring and medical management. 

Ito naman ang aking tatalakayin sa susunod kong topic. Kung ano ang dapat na contraception ang gagamitin ng isang babae. 




Salamat muli sa inyong pagtangkilik ng aking blog. Sana ay may natutunan kayo dito.  

Comments

  1. Napaisip ako mam ngayon im using pills to control my menstruation because im suffering pain dahil sa endometrios. i dont know kung connected ang chest pain na nararamdaman ko, dahil ba sa pills or sa acid reflux dahil naman sa anxiety attacks. i think i need to go back to my ob again. -TheJFSisters here

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede rin naman po na dahil sa GERD lang yon. Mas dapat po sa Cardiology kayo mag consult if chest pain ang problema. Or kung may specialty doctor na Cardio-Internal Medicine ay mas OK po.

      Delete
  2. ako po ay may plan C pero ang tanong ko po kong may plan D ba?

    ReplyDelete
  3. Dili na jud ko ani mabuntis hehehe.. Maka wow man ka madam spayraa kumplito rikados ingat permi. Madam godbless

    ReplyDelete
  4. Dili rako mogamit ani oi.need namo magka anak no more pills-pills hihi.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Dapat Gawin kapag Nabalian ng Buto o Napilayan II Emergency Management at home or outside the hospital for sprains and fractures.

What is Cancer II Cancer awareness Month

Protect Your Bones