IN VITRO FERTILIZATION o IVF II Ano Nga Ba ito?





May mga kababaihan na hirap magkaroon ng anak lalo na kung sila ay nagkakaedad na pero ito ngayon ay may solusyon na sa tulong na rin ng advanced technology at pati na rin ng mga experienced doctors. Maraming pamilya na ang nakumpleto at natulungan dahil na rin sa pamamaraan na ganito. At dahil dito, nais kong i-share sa inyo ang aking kaunting nalalaman ukol dito. 

Pag-usapan naman natin ngayon ang IVF o in vitro fertilization. 
 
In Vitro Fertilization 

Ito ay isa lamang sa mga paraan  para matulungan ang mag asawa na may problema sa pagkakaroon ng supling. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtanggal ng egg cell ng isang babae na nanggaling sa kanyang ovaries and fertilised with sperm sa isang laboratoryo na tintatawag na Fertility Clinics. Kapag nabuo at naging fertilised egg na nga ito, tinatawag na itong embryo, at ibinabalik ito sa loob ng uterus o bahay-bata ng babae para tuluyang lumaki at mag develop katulad ng normal ng pagbubuntis. 

 Bago mag undergo sa ganitong proseso ang mag-asawa ay meron pa silang preparasyon na dapat gawin base na rin sa instructions na ibinibigay ng fertility clinics sa kanila. Mayroong  tinatawag trigger-shot injection ng human Chorionic Gonadotrophin (hCG) ayon na rin sa prescribed amount and timing na advise ng manggagamot para sa isang babae na may balak na magbuntis. Meron namang tamang oras kung kelan dapat ito ibigay in a form of injection. At kapag nagawa na ito ay saka pa lamang sila bibigyan ng instruction kung anong oras sila dapat pumunta sa clinic, 

 

 Procedure Instructions

Ito na ang simula ng pagbubuo ng IVF baby, at silang dalawa ang parehong pupunta na sa kanilang napiling fertility clinic. 

1. Ang asawang babae ay dapat na fasting o hindi kumain sa loob ng anim na oras bago gawin ang procedure na ito. Siya rin ay dapat walang make-up, perfume and jewelry na gagamitin dahil ito ay dapat na sterile ang buong area na katulad ng set-up sa loob ng operating room.

2. Hindi rin dapat magkaroon ng sexual intercourse ang babae simula sa unang araw ng trigger-shot hanggang pagkaraan ng limang araw mula naman sa day of egg retrieval. 

3. Habang ang asawang lalake naman ay dapat pumunta sa fertility clinic para sa pagbibigay ng fresh semen sample kasabay ng scheduled time of egg retrieval.  


 Disclaimer: Para sa detalyadong paraan ukol dito, maakabubuting kumonsulta sa isang IVF Clinic o experienced doctor. 


 

 

 

Comments

  1. Wow..such an amazing article.Relate much on this.Thank you for sharing this.mwaaahhhh

    ReplyDelete
  2. Hindi kaya mahal yong trigger shot injection?maganda tong procedure.

    ReplyDelete
  3. When human fate and science collide, endless possibilities. AKO PURDOY

    ReplyDelete
  4. Thanks for sharing such an informative words to enlighten the one who need it. Big up!

    ReplyDelete
  5. ah dili nko mobasa ani kay nan koy supling hahaha aw humana d ay ko basa oi hahaha

    ReplyDelete
  6. that was a good read .. very informative

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

WORKING IN UAE AS A REGISTERED NURSE

Breast Cancer Awareness in October

What is Cancer II Cancer awareness Month