Mga Sintomas ng COVID 19 II What I've seen in the Clinical Setting.
Ang Pandemic na ating nararanasan ngayon ay lubhang nakaaapekto sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Tumaas, bumaba ang numero ng mga nagiging positibo sa sakit na Covid-19. Marami na rin ang namamatay. At higit sa lahat, wala pa ring vaccine na nahanap hanggang sa araw na ito.
Apektado hindi lamang ang mga business establishments kundi pati na rin at lalo ang mga empleyado. Halos sarado ang mga establishments worldwide noong mga nakaraang buwan tulad ng mga eskwelahan, simbahan , malls, etc. Ito ang paraan na naisip ng iba't-ibang bansa sa buong daigdig pati na ng Pilipinas. Maraming na stranded sa kung saan saan. Nag iba ang takbo ng buhay ng mga tao. Walang nakakalabas basta basta ng kanilang lugar at dahil na rin sa takot na mahawa sa sakit na Covid-19 pati paglabas ng tahanan ay nagbubunga na rin ng agam-agam at takot.
Bilang isang Emergency Room Nurse, nakikita ko sa clinical settings and I've given direct care to patients na suspected and confirmed case of Covid-19. Mayroong dalawang klase ng presentation ng pasyenteng mayroong Covid-19. Ito ay ang symptomatic and asymptomatic Covid-19 infected patients.
Ang initial test na ginagawa para madetect ang sakit na ito as ang Covid-19 screening o swab test na kinukunan ng sample via the nasopharynx o idinadaan sa ilong papasok hanggang sa likod ng pharynx ang swab. Ang tamang posisyon ay dapat naka upright ang pasyente habang kinukuhanan ng sample.
Pagkatops ng initial swab test, ginagawan din ng CXRay o mas malinaw na makikita ang pulmonry picture ng pasyente kung Pulmonary CT Scan ang gagawin. Habang naghihintay ng resulta ng swab test, malalaman na kaagad ang itsura ng lungs ng pasyenteng may Covid-19.
Symptomatic Covid-19 patients ay mga pasyenteng positibo sa sakit na ito at kakikitaan ng mga signs and symptoms ng nasabing sakit. Ang mga ito ay ang sumusunod: Lagnat, ubo, sipon, pananakit o pamamaga ng lalamunan, masakit ang ulo, masakit ang tiyan, pagtatae, pagsusuka, walang panlasa, walang ganag kumain, pananakit ng katawan and a later stage o mas tamang sabihin na medyo delikadong stage na ay kung nahihirapan ng huminga ang pasyente. Sa ngayon, supportive treatment ang ibinibigay sa mga dumadanas nito. Halimbawa, kung nahihirapang huminga ang pasyente ay dapat mabigyan agad ng oxygen supplement. Kapag ang pasyente naman ay nagrereklamo ng hirap ng paghinga, sila ay dapat na imonitor kaagad ang kanilang Oxygen Saturation Content sa katawan sa pamamagitan ng paggamit ng pulse oximeter. Sila din ay kinukuhanan ng dugo para matest ang oxygen content nila by blood upang makapag-decide ang mga doctor kung sila ba ay dapat ng tubuhan or intubation. Hydration naman ang ginagawa o binibigyan ng intravenous fluids o yong tinatawag ng karamihan na swero.
Mga gamot na ginagamit ng mga pasyenteng positibo sa Covid-19 ay chloroquine (anti-malarial drug), tamiflu (anti-viral drug), ascorbic acid at anti-pyretic o paracetamol kung may lagnat at kung may ubo naman ang binibigyan ng gamot sa ubo.
Pinaka importante pa rin sa lahat ang paggamit ng face mask, face shield, N95, eye goggles at higit sa lahat handwashing. Handwashing is still the most effcetive way na matanggal ang viruses and microbes sa ating mga kamay.
Asymptomatic Covid-19. Ito ang tawag sa mga pasyenteng nagpositibo sa covid-19 swab screening pero walang kahit anumang nararamdaman. Dala marahil ng kanilang malakas na resistensya o dahil napakaaga pa na nadetect ang sakit na ito thru swab test.
Sa ngayon, unti unti ng tinatanggap ng karamihan saan mang panig ng mundo at dahan dahan ng ibinabalik ang pagbubukas ng mga establishments. Pero may nabago na dahil nililimitahan pa rin ang direct exposure ng ga tao sa kapwa tao. At ito nga ang pagiging mandatory use ng face mask, at faceshield.
Slmat sa mga informations. This is so helpful
ReplyDeletethank you po for the support
DeleteSalamat s info maam
ReplyDeletesalamat sa support po
Deleteso interesting that upright position keep safe!!!
ReplyDeletehihi salamat sa support @gofrokz
DeleteWell well well. #SMOSO
ReplyDeletesalamat po ka smoso
Delete#gofrokzlaag
ReplyDeleteaguuuuy bunalan
Deletehahaha.magkatawa mansad ta ani oi.
Deletesmoso madam haha
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletealways follow proper hygiene to avoid this kind of virus.thank you.
ReplyDeleteyes true
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteIn times of this pandemic health is very important so better to avoid the virus because the test is not very easy.
ReplyDeleteUnsay nindot i comment dre ate spayra!😅
ReplyDeleteHow I wish and I pray that these thing will vanish soon. Keep safe always on your line of work. Thanks for sharing this informative piece!
ReplyDelete