COVID-19 VACCINE AY MALAPIT NG ILABAS SA PUBLIC
Buong mundo ay tumigil ng ilang buwan dahil sa sakit na Covid19. Nagsimula ito sa China particularly sa Wuhan at Beijing. Lahat tayo ay umasa na sana magkaroon na ng vaccine para dito. Ang ground zero ng sakit na ito ay ang Wuhan at nagsimula ito noong December 2019.
Napakabilis ng pagkalat ng sakit na ito dahil na rin sa mode of transmission nito na droplet, contact and airborne. Marami ang namamatay sa sakit na ito dahil na rin sa virulence ng sakit na ito at wala pang vaccine ng mga panahong iyon. At dahil sa mabilisang pagkalat nito ay halos buong mundo ay nagpatupad ng lockdown para na rin sa pag contain nito. Pero bigo pa rin tayong lahat at patuloy pa rin ang pagtaas o pagdami ng kaso.
Bilang isang healthcareworker (HCW) ay napansin ko na karamihan o halos madami sa mga naging pasyente ko ay nakikitaan ng pneumonia sa pamamagitan ng XRay. Nakakatakot pero parang unti unti na ring natanggap ng karamihan na hindi na talaga maiiwasan ito. O baka marahil inakala na rin ng mga tao ay OK na ang mundo dahil nga naging pen na rin o maraming bansa na rin ang nag lift ng lockdown dahil lahat ay apektado na ang ekonomiya ng buong daigdig.
Marami ang nawalan ng trabaho dahil dito at kahit ang mga nagnenegosyo ay napilitang magsara. Marami ang umiyak. Marami din ang naghigpit ng sinturon o nag cutdown ng kanilang expenses. Lahat ay lubhang apektado na. At halos nasanay na ang mga tao na huwag lumabas ng kanilang bahay pero meron pa ring matapang na lumalabas labas na o baka mas tamang sabihin na napagod na rin sa sitwasyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi biro biro ang mga pangyayari at mas lalong tumitindi ang pagkalat nito.
October na at ang ibig lang sabihin nito, winter na naman sa mga lugar na may ganitong panahon. At dahil dito, minamadali na ng mga dalubhasa ang paggawa ng vaccine dahil ang tag-lamig ang pinakapaboritong panahon ng pag multiply ng virus. Kaya heto at nakikipagpaligsahan na ang mga gumagawa ng panlaban sa sakit na ito dahil inaasahan na na mas lalo pang dadami ang kaso kapag tuluyan nang dumating ang taglamig.
Sa mga mayayamang bansa ay may clinical trials ng ginagawa sa vaccine na naiproduce na para labanan ang Covid19. May matatapang o mas tamang tawagin na bayani ang nag undergo ng clinical trial na ito at sila nga ay under observation na sa ngayon matapos na sila ay bigyan ng bakuna. So far, meron akong kilala na isa nga sa mga volunteers at sa nakikita ko sa kanya ay OK naman siya at masaya pa ito at malapit ng makumpleto ang 35 days ng course ng trial.
Ang mga vaccines na ito ay SARS-CoV-2 Vaccine (Vero Cell), Inactivated (Wuhan Strain) at SARS-CoV-2 Vaccine (Vero Cell), Inactivated (Beijing Strain). Ang dalawang vaccines na ito din ang ibinigay sa mga volunteers ng clinical trial sa magkahiwalay na pagkakataon at sila din ay inoobserbahan hanggang sa makumpleto ang 35 days ng clinical trial course.
Merong exlcusion criteria ng mga vaccines na ito.
Exclusion criteria: history of COVID19 confirmed infection ay kinakailangang magpa-blood test or serology test at hindi pwdeng bigyan ng vaccine kapag positive serology test ito.
- Positive urine pregnancy test result on the same day
- Previous severe allergic reactions to vaccination
- history of convulsion, epilepsy, encephalopathy or mental illness
- has been diagnosed with congenital or acquired immune deficiency, HIV infection, lymphoma, leukemia or other autoimmune diseases
- history of coagulation dysfunction
- Patient receiving immunotherapy or inhibitor therapy within 3 months
- severe cardiovascular disease
- severe liver disease
- severe kidney disease
Sana maging okay na lahat... Lalo nat mg wiwinter na... Stay safe po tayong lahat wag kampante
ReplyDeleteSana bumalik na sa normal Ang lahat at masolusyunan na Ang problema na yan
ReplyDeleteWow sana all pra maging OK na Mundo..
ReplyDeleteKht na maging ok na ang lahat wag parin pakampante dhil hnd nakikita ang kinakaharap ntin ngaun ONLY GOD KNOWS Praying is da best medicine i think
ReplyDeleteSalamat s info
ReplyDelete