Vaccinated but Still Got Coronavirus Infection: Vaccinated na pero nagkaroon pa rin ng coronavirus infection
Working in a healthcare setting is vulnerable to get infected with coronavirus infection. At dahil dito ay sinigurado ng gobyerno nga bansang pinagtatrabahuan ko na mabigyan kami ng vaccine and sa karamihang citizens dito sa isang bansa sa gitnang silangan. At gaya nga ng alam na natin and based on facts na hindi cure ang bakuna bagkus ito ay para mabigyan tayo ng antibodies o sundalo sa ating katawan upang labanan ang virus na pumapasok sa atin.
At sa madaling salita, ako nga ay nakpagpabakuna ng first dose noong november 24 at ang second dose ay noong december 15 at ang vaccine na natanggap ko ay ang Sinopharm at ito ay may 86% efficacy dahil isa ito sa mga naunang vaccine na released sa kasagsagan ng pandemic.
Dahil na rin isa akong nurse, kaya walang araw ng aking duty na walang exposure sa taong may dala dalang coronavirus. And aside from this, I also considered every person na infected kaya I always made sure na kumpleto ako ng PPE. Kahit hirap huminga kapag suot ang N95 and below this ay meron pa akong suot na isang mask at minsan pa ay dalawang mask at pumapangatlo na ang N95, pero ito pa rin so far ang pinaka mabuting protection na klase ng mask na maaari nating gamitin. Aside from this, kapag siguradong positibo ang pasyenteng nilalapitan ko ay gumagamit din ako ng face shield. And above all ay handwashing.
Dito sa hospital specifically sa emergency department na pinagtatrabahuan ko ay bawal kaming magbigay ng nebulization or aerosolized medication instead we have to use the puff thru spacer to limit nga ng spread of virus. Ang spacer ay isang plastic device kung saan contained lang ang droplets na naibubuga ng pasyente habang sinisinghot ang gamot from the puff.
Bukod sa closed contact with the infected person, ang pagkuha ng PCR sample sa isang pasyente ay napakarisky dahil sa reflex ng isang tao na bumahing kapag may foreign body na lumalabas sa ilong nito. Kaya dapat ito ay gamitan ng tamang paraan which is ang naisip ko nga is instead na nasa harap mismo ako ng pasyeste ay pumupwesto ako sa gilid ng headpart ng pasyente hanggang sa madevelop ko yung skill ng pagkuha ng PCR sample by this technique.
Pero sadyang may mga bagay na hindi natin maisip kung bakit nahahawaan pa rin tayo ng sakit despite sa pag iingat na ginawa natin.
Last March 29, I transported a covid positive patient papunta sa isang covid facility na hospital. Ang pasyenteng ito ay 82 years old na at may co-morbidities na (diabetes, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), hypertension ). Although stable naman ang pasyenteng ito pero nagdedesaturate siya although expected sa mga COPD patients pero hindi rin pwdeng balewalain ang deviation of SPO2 niya dahil wala namang constant monitoring na ginagawa sa bahay nila. At higit sa lahat, ang isang covid positive patient ay madaling magdeteriorate kaya hindi pwedeng bale walain ang condition ng patient. I was with the patient for 3 hours sa loob ng ambulance na hindi naman negative pressure. And according to Coronavirus guidelines namin dito ay dapat isolated ang pasyente sa isang neagtive pressure room.
On April 3 na PCR test ko na lumabas ang resulta ng Aparil 4 at nalaman ko nga na positive na ako at nakareceive ng message na kailangan kong mag swab test again for confirmation if positive nga talaga. During this time ang sintomas na naramdaman ko ay chest heaviness without cough, weird taste. Started na ng home isolation ko by this time. And the next day ay nagkaroon na ako ng mild cough and rhinitis and body pain. Lumabas ang resulta ng April 6 dahil nagkaroon pa ng problema sa system kaya na delay ang transmittal of result which is negative result naman. So, kailangan ko na naman ng another snegative wab test for confirmation at ito ay ginawa ko noong April 7 at lumabas ang resulta kahapon na negative.
At ang ibig sabihin nito ay graduate na ako sa aking home quarantine program. At tinawagan na ako ng DOH na pwde na akong mag tanggal ng aking GPS tracker.
Thanks to God at natapos ko din ang aking coronavirus infection journey ng mild lang ang aking naramdaman. At ito ay dahil sa tulong ng vaccine na aking na receive.
Time and again, the effectivity of vaccine has proven to work in humans. And this is my shared journey to you and encouraging everyone to take a step to combat the coronavirus.
Godspeed everyone.
Disclaimer: This is only for sharing of information to those who are seeking additional inputs on coronavirus infection.
Comments
Post a Comment