IN VITRO FERTILIZATION o IVF II Ano Nga Ba ito?
May mga kababaihan na hirap magkaroon ng anak lalo na kung sila ay nagkakaedad na pero ito ngayon ay may solusyon na sa tulong na rin ng advanced technology at pati na rin ng mga experienced doctors. Maraming pamilya na ang nakumpleto at natulungan dahil na rin sa pamamaraan na ganito. At dahil dito, nais kong i-share sa inyo ang aking kaunting nalalaman ukol dito. Pag-usapan naman natin ngayon ang IVF o in vitro fertilization. In Vitro Fertilization Ito ay isa lamang sa mga paraan para matulungan ang mag asawa na may problema sa pagkakaroon ng supling. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtanggal ng egg cell ng isang babae na nanggaling sa kanyang ovaries and fertilised with sperm sa isang laboratoryo na tintatawag na Fertility Clinics. Kapag nabuo at naging fertilised egg na nga ito, tinatawag na itong embryo, at ibinabalik ito sa loob ng uterus o bahay-bata ng babae para tuluyang lumaki at mag develop katulad ng normal ng pagbubuntis. Bago m...